Thursday, 4 August 2011

Tatlong oras lang ang tulog ko buti nalang nakarating pa din ako sa tamang oras ng usapan. Noong  una ay buhay na buhay at energetic pa ako, kulitan, kwentuhan, ngunit sa kalagitnaan ng byahe ay isa-isa na kaming pumapaltok sa antok, palagay ko'y walang pa ring tulog ang mga kasama ko. Ngunit ng kami'y makarating sa unang destinasyon ay nabuhayan ng dugo ang lahat siyempre excited.hehe!!!


"AYALA MUSEUM"


kung saan ang aking paboritong exhibit ay ang "The Diorama Experience" nakakamangha ang mga miniatures na patungkol sa mga mahahalagang kaganapan sa Pilipinas. may mga exhibit din kung gaano katangkad ang ating mga bayani at pangulo, wala kaming ginawa kundi magsukat ng magsukat tuwing may madadaanang gaanong exhibit. Nakita din namin doon ang Golds of ancestors, boat gallery at iba't-ibang paintings.



picture picture sa labas ng ayala museum bawal kasi magpicture sa loob...


   "NATIONAL MUSEUM"



Dalawang magkahiwalay na gusali ang aming pinuntahan. Ang unang gusali ay more on paintings at sculptures, nakakamangha ang mga ito. Mayroon ding mga exhibit na sadyang kakaiba na pumukaw ng aming pansin tulad na lamang nito:



Sa pangalawang gusali naman ay madaming uri ng banga, medyo nakakatakot ang malalaking banga na para bang may bigla nalang lalabas na kung anong nilalang.haha. May iba't-ibang uri ng bato, plato, paintings, preserved animals at marami pang iba. 



Ang huli naming destinasyon ay ang Luneta Park. Pinuntahan namin ang Japanese Garden. Nang matapos na ang aming pag-iikot ay naupo muna kami sa damuhan para magpahinga at kumain ng biglang umulan ng malakas, buti nalang pauwi na kami, pero habang tumatakbo kami papunta sa sasakyan ay tawa pa kami ng tawa kahit mga pagod at basa na, ganoon talaga basta't kami ang magkakasama. :)


Sa pagtatapos ng aming lakbay aral ay napaka dami naming napulot na mga kaalaman tungkol sa kasaysayan at sa kahanga-hangang likha ng mga Pilipino. Napaka makabuluhan at naging  napaka saya ng aming paglalakbay.       

No comments:

Post a Comment